Sunday, October 14, 2018

Birthday Cake





Ako si Queen Maya, tubong Catanauan Quezon. Edad na 22 ako nangarap mangibang bansa pero hindi pinalad na matuloy dahil nabuntis ako ng aking naging asawa. Maayos naman naging buhay asawa ko sa loob ng 12 taon pero sinubok ako ng kapalaran. Nagkasakit ang asawa ko ng cancer sa atay at namatay sa edad na 38 at sa edad ko nmang 36. 

Hindi ko alam kung paano at kung san ako mag-uumpisa pano ko bubuhayin ang 3 anak na naiwan sakin ng aking asawa. Matapos ang 40 na pong araw ng aking asawa, naisipang kung magapply na mangibang bansa at sa awa naman ng Diyos ay pinalad na makaalis at napunta ako dito sa bansang Kuwait. Mahirap na mawalay sa aking pamilya lalo na sa aking mga anak. Iniwan ko  sila sa pangangala ng aking magulang. 

Dasal at pananampalataya ang naging gabay ko na bigyan ako ng lakas ng loob at bigyang ng mabuting amo at sa awa naman ng Panginoon dininig ang aking dasal binigyan nman nya ako ng napakabait na employer. Nawala ang aking takot at pangamba sa bahay na aking pinagsilbihan, hindi ko sukat akalain na magkakaroon ako ng ganitong amo na hindi kasambahay ang turing nila sa kanilang empleyado kundi kapamilya. Sa tuwing nalulungkot ako at namimiss ko mga anak ko, yayakapin ako ng amo ko sasabihing ok lng yan Maya, ok lng mga baby mo. Hindi nila ako pinagbawalang gumamit ng cp ng lagi ko daw nakakausap ang aking mga anak kaya medyo nabawasan ang pangungulila ko sa kanila. 

Dumating ang aking birthday, hindi ko alam na gagawin nila sakin ang isang sorpresa. Binilhan nila ako ng cake at lahat sila nandon, nakapatay ang ilaw sa sala saka nila ako tinawag sa aking kwarto. Pagpasok ko sa sala, kinantahan nila ako ng Happy Birthday, sobrang iyak ko noon kasi parang kasama ko na din ang aking pamilya.

Tumagal ako ng 3 and a half years bago magbakasyon sa Pinas. Last December 2017 ako nagbakasyon at bumalik ako dito ng February 15, 2018. Ngunit muli na naman sinubok ng kapalaran ang aking katatagan. Feb. 15 ako bumalik ngunit isang gabi lang aq dito sa Kuwait, namatay ang aking nanay Feb. 16. Muli na naman pinatunayan ng aking mga amo kung gaano sila kabuti. Pinauwi nila ulit ako ng Pilipinas ng gabi ng Feb 16, gastos nila lahat at binigyan pa nila ako ng panggastos habang nasa Pinas ako. 

Hindi ko alam kung babalik pa ako ng Kuwait o hindi na dahil wala akong mapagiiwanan sa aking mga anak dahil madami ding anak ang aking kapatid. Inalok ako ng amo ko kung gusto ko daw dalhin na lang mga anak ko sa Kuwait ng sama sama na lang kmi doon sa bahay ng amo ko pero maraming dapat asikasuhin sa mga papel sabi k sa amo ko kya binigyan nila ako ng 2nd options.  Kumuha ng lang daw ako ng taga alaga ng mga anak ko at sila ang magpapasahod kada buwan bumalik lang daw ako sa kanila. Kaya yun ang ginawa ko, kumuha nga ako ng taga alaga sa mga anak ko at hanggang ngayon sila ang nagpapasahod sa taga alaga ko ng anak ko. 

Tuwing may okasyon, hindi nila ako nakakalimutang bigyan ng gift or kada may magbabaksyon hindi nila ako nakakalimutang bigyan ng pasalubong. Masasabi ko na isa ako sa mapalad na nakakuha ng sobrang bait na amo. Hindi nila ako kailangang pwersahin sa trabaho, kung ano lang kaya kung gawin sa loob ng isang araw,  yun lng. Pinapayagan din nila akong magbakasyon kada isang taon ng makasama ko daw ang aking mga anak kaya naman sobrang bless aq dito sa mga amo ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Kuwait, mag 5 years na din ako sa kanila.


– Queen Maya

No comments:

Post a Comment