Ang kwento ng mga OFW Abroad

Wednesday, October 24, 2018

Chatmate



Ako si Neri, nagsimula ang kwentong OFW ko nang may makilala akong chatmate na isa ding Pinoy OFW. Almost 2 years din kaming magkachat pero hindi kami nagkikita dahil malayo sya nasa Turaif, ako naman ay nasa Riyadh. After 2 years, nagdesisyon kaming umuwi ng Pinas para magkasama ng tuluyan. Nauna syang umuwi ng Pinas, ngunit ng makauwi sya hindi naman ako pinauwi ng mga tita ko kaya naman naputol lahat ng mga plano namin dahil sa nangyari.

Kahit nasa Pinas na sya, hindi naputol ang aming komunikasyon, patuloy pa rin kami sa pagcha-chat sa isa't-isa. Dahil hindi ako nakauwi noon, nagpasya syang mag-apply na rin dito sa Riyadh, para malapit kami sa isa't-isa. Mahigit isang buwan bago sya nakaalis papunta dito, at sinurpresa pa nya ako ng biglang syang tumawag at agad hiningi ang location ko na agad naman nyang natunton.

Nagsama kami dito sa Riyadh ng tuluyan. Inayos lang namin ang papers namin para maging legal kami at makalabas ng malayang magkasama. Nagsama kami at naging masaya ang lahat, walang away, walang gulo, minahal ko sya ng sobra na halos hindi na ako nagtira para sa sarili ko.

Nagbunga ang aming pagsasama kaya naman kinailangan kung magpahinga at magpaalam sa mga amo ko ng isang buwan lang naman at pinayagan naman nila ako. Sa kasamaang palad, nalaglag ang
king baby habang nasa aking sinapupunan. Dahil sa nangyari nagdesisyon na lang kaming umuwi.

Ngunit hindi naman ako pinayagan ng amo ko na makauwi, pero sa kabila ng lahat patuloy na naging masaya ang aming pagsasama. Magkasama kami sa isang bahay at naghihiwalay lang tuwing papasok kami sa aming kanya-kanyang trabaho, pareho din kami ng Day-off. Muli akong nabuntis kaya naman nagdesisyon na talaga kaming umuwi. 3 months akong buntis noon at umuwi kaming dalawa sa kanila mismo sa Batangas. Isang buwan lang ang naging bakasyon nya at kinailangan na nyang bumalik sa Saudi. Iniwan naman nya ako sa kanila hanggang makapanganak daw ako at dahil plano din naming ayusin ang papers ng aming baby para makasama ko sya pabalik ng Riyadh.

Pero mapaglaro pa rin ang tadhana, hindi ko akalain na magagawa pa nya na pagtaksilan ako sa kabila ng lahat. Nambabae sya at doon pa mismo sa bahay namin dinadala ang babae nya. Nalaman ko pa na matagal na silang magkalaguyo hindi pa man kami nakakauwi ng Pinas. Isang araw nagmessage sakin ang babae nya na may kasamang pang picture nilang dalawa sa loob pa mismo ng aming kwarto doon sa Riyadh. Gumuho ang mundo ko sa mga pangyayaring iyon at nagbleeding pa nga ako sa sakit ng mga nakita ko. Agad naman syang nagpaliwanag sa akin at ako naman ay agad naniwala sa lahat ng sinabi nya at nagpatawad dahil nga sa sobrang pagmamahal ko rin sa kanya.

Dumating ang araw na nanganak na ako. Habang umiiyak ang bata ay napapaiyak na rin ako. Naiisip ko pa rin ang pagpapasarap na ginawa nya sa piling ng babae nya sa kabila ng aking pagpapatawad. Hinintay ko ang araw na sasabihin nyang ayusin na nya ang papers ng bata upang masundo na nya kaming mag-ina, ngunit iba ang lumabas sa mga bibig nya ng araw na yun. Ayusin ko na lang daw ang buhay ko na wala sya. Sa kabila ng lahat, nagmatigas ako at nagmakaawa sa kanya na huwag kaming iwan ng anak ko. Pero ayaw na nya talaga at tuluyan kaming binitiwang mag-ina. Dahil sa pangyayari, halos Red Horse na ang naging tubig ko sa araw-araw makalimutan lamang sya pero sa bawat araw na lumilipas lalo lang akong nahihirapan.

Umuwi kami ng baby ko sa Province namin sa Davao. After nun nagpunta naman ako sa Manila para magtrabaho para na rin makalimot. 1 year din akong nagwork sa Manila at sinubukan ko ring makipagrelasyon sa iba para makamove-on pero sya pa rin talaga ang laman ng puso ko. Hanggang sa nagpasya na akong mag-abroad ulit para malimutan ko na lahat-lahat. June 16 ang flight ko noon, pero June 14 muli syang nagparamdam at nais pang makipagkita sa akin pero hindi ako pumayag. Nagme-message pa sya sa akin nung una dahil gusto nya kaming makasamang mag-ina, hanggang sa nagdesisyon na rin akong i-block sya. Dahil sa anak ko nakamove-on na ako ng tuluyan.

Simula ng ipanganak ko ang anak namin ay hindi pa nya ito nakikita ni-minsan kaya ganun na lang ang pagkasabik nya sa aming anak at gusto nya kaming magkasama-sama. Pero itinatak ko rin sa isipan ko na simula ng nambabae sya ay namatay na rin ang tatay ng aking anak. Sa ngayon masaya ako sa aking buhay at muli na namang nakikipagsapalaran dito sa Saudi para sa kinabukasan naming mag-ina.

Maraming Salamat po!

- Neri  








No comments:

Post a Comment