Tuesday, October 23, 2018

Dream House




Ako si Lyn, isang single parent sa aking apat na anak. Taong 2010, nangibang bansa ako papuntang Kuwait. Akala ko doon na lahat mabubuo ang mga pangarap ko pero ngkakamali pala ako. Noong bago ako umalis papuntang Kuwait ok pa kami ng asawa ko, napag-usapan namin na ang perang galing pinagpaguran ko ay gagamitin nya sa mabuti tulad ng pagpapagawa ng bahay at iba pa. 

Buwan-buwan ang padala ko ng pera at may konti din naiiwan sa akin, iniipon ko un dahil sa pangarap ko na magkabahay. 2012 natapos ang kontrata ko pero nagpasya ako na wag munang umuwi at lumipat na lang ng ibang bahay kasi maliit ang sahod ko sa dati kung amo. Pinag usapan naman nmin ng aking asawa at ok naman sa kanya.

Noong makalipat na ako ng amo, ipinadala ko sa asawa ko buong ipon ko dahil nga gusto kong magpatayo ng bahay. Pero sa malas siguro kahit isang cemento wala ngang nabili dahil noon pla gumagawa na ng milagro ang asawa ko. Nagwalang kibo ako, isang gabi tumawag ako sa amin. Hindi ko akalain na babae ang sasagot sa tawag ko. Dalawang beses pa ako tumawag pero babae talaga. Kina-umagahan ay tumawag ulit ako at noon ay asawa ko na ang nakasagot. Tinanong ko kung sino yung nakasagot na babae kagabi, sabi naman nya ay hiniram daw ng kapit-bahay ang kanyang cellphone. Hinayaan ko na yun at tinanong ko sa kanya kung kumusta na ang bahay na pinapagawa ko, ngunit sabi nya sa akin busy daw ang mga tao, wala daw mapakiusapan na gumawa sa bahay. Tugon ko naman "okay, maghintay na lang tayo". Makalipas ang isang linggo muli akong tumawag upang kamustahin kung may gumagawa na ba ng bahay, ngunit sabi nya wala na daw pera, naubos na daw nya. Sa katangahan ko sabi ko naman ok lng kung wala na, pera lang naman yan. 

April 2013, nagplano na lang ako na bumili na lang ng bahay. Kinausap ko ang asawa ko na maghanap. May nahanapan naman sya at muli nagpadala ako ng pera para ipambayad sa bahay. Ngunit talaga sigurong kakambal ko ang malas, noong nakuha na sa Cebuana ng asawa ko ang pera, doon naman sya nawala ng 5 gabi. Yun pala ay nagsama sila ng babae nya. Noong malaman ko, para akong nabagsakan ng mundo, halos mabaliw ako sa pangyayari. Doon nag-umpisa na hindi ko kibuin ang asawa ko, ang lalaking manloloko lang pala sa akin.

December 2014, umuwi ako ng Pinas dahil tapos na rin ang pangalawa kong kontrata na dala ko lang na pera ay 60k. Pagdating ko sa Pinas, ibinenta ko ang motor na nabili ko at nagpatayo ng sariling bahay. Sa awa din ni Lord, nabuo din ang bahay na pinapangarap ko. August 2015, nagplano ulit ako na mag-apply. Sa awa ni Lord, nandito naman ako sa Saudi. Akala ko tuloy-tuloy nang mabubuo ang mga pangarap ko at wala ng pagsubok na darating pero nagkakamali pala ako.

January 15, 2016, muli akong sinubok ng pagkakataon, nabiktima ang anak kong panganay ng "Motornap". Binaril ang anak ko ng limang beses at kinuha ang knyang motor, cellphone at pera. Noong nalaman ko ang nangyari sa anak ko, halos mabaliw ako at ikamatay ko. Mabuti na lang mabait ang mga amo ko at pinayuhan ako. Nakahiram ako ng pera para sa pagpapa-opera ng anak ko pero hindi naging sapat yun kaya napilitan akong ibenta ang aking bahay. Sabi ko na lang sa sarili ko mapapalitan ko naman yun lahat basta buhay lang ang anak ko.  

Sa awa ni Lord nabuhay at gumaling ang anak ko. Pero hindi pa rin pala natatapos ang pagsubok, nagkaroon naman ako ng sakit na pilit kung itinago sa mga amo ko. June 2017, hindi ko na kinaya ang sakit ng sikmura ko. Lahat na lang yata ng santo ay tinawag ko na noon. Tinawagan ko ang amo ko gamit ang cellphone upang humingi ng tulong, gabing-gabi na yun ngunit pinuntahan naman nila ako sa kwarto ko. Subalit gabi na at wala na daw doctor sa mga oras na yun kaya tiniis ko na lang buong magdamag ang sakit. Kinaumagahan, 9:00 am dinala nila ako sa doctor para i-ultrasound at doon nila nakita na ang sakit ko ay acute gallblader stone pla. Sabi ng doctor ay kailangan maoperahan ako kaagad kasi acute na. Nagdesisyon ang amo ko na pauwiin ako ng Pinas upang doon ako magpa-opera. Sabi nila gastos daw nilang lahat at bibigyan din ako ng allowance basta magpagaling lang daw ako. June 22, 2017 pinauwi na nila aq at doon na nga ako ngpa-opera pero Sept 22, 2017 bumalik din ako sa Saudi na kahit hindi pa pwede kinaya ko na lang ang trabaho para sa mga anak ko. 

Maraming salamat po!

- Lyn

No comments:

Post a Comment