Sunday, October 21, 2018

Mother's Day



MAY 7, 2016 - Ito yung araw na hinding hindi ko makakalimutan...dito na yata halos maubos ang luha ko sa pag-iyak 😢 Yung pinakamasakit na bagay na gagawin ng isang ina... yung magpaalam sa mga anak 😢 para mgtrabaho sa ibang bansa...

Dito halos madurog ang puso ko.. yung habang natutulog cla nkatitig lng ako umiiyak habang sinasambit ung mga salitang..."mahal n mahal kayo ni mama..gagawin ko to pra sa inyo...mamimiss ko kayo ng sobra😢😢"

I'ts been 2 years pero parang kelan lang..parang kahapon lang nasa Pinas pa ako..actually never ko naimagine ang sarili ko noon na magagawa kong makipagsapalaran dito sa gitnang silangan.. sabi ko noon papasukin ko na lahat ng trabho pero wag lang ang magkatulong pero masyadong mapait ang kapalran sakin..siguro destiny ko talaga na magsakripisyo para sa mga mahal ko sa buhay..at ang pagiging isang kadama dito sa Middle East ang pagsubok na binigay ni Lord skin...

Gitnang Silangan...dito ko naexperience ung mga bagay na ni sa panaginip diko akalain dadanasin ko.. tama nga sila never mo malalaman kung gano kahirap ang maging isang OFW unless maranasan mo..ito na yata yung isa sa pinakamhirap na trabaho na gugustuhin mo..totoo..dugo, pawis, luha, haba ng pasensya, tatag ng kalooban.. yan ang puhunan namin para malagpasan ang mga pagsubok dito sa abroad.

Pinakamalaking kalaban ng isang OFW ang Homesick... yung tipong mabuang-buang kana sa sobrang lungkot at pangungulila sa mga mahal mo sa buhay na nasa Pinas...naalala ko pa gabi-gabi ako umiiyak.. yung tipong halos ayaw ko nang pumikit kasi panigurado makikita ko ung mga anak ko, mai-imagine ko sila..😢😢 sabay hahagulgol na ako ng iyak 😭😭 yung sobrang bigat ng kalooban mo.. yung tipong nag-uumpisa ka palang parang gusto mo na sumuko...

Sa loob ng 9 na buwan, nagtiis ako na hindi sila mkita.kasi bawal ang cellphone. Isang beses ka lang pwedeng tumawag 10 minuto.. naalala ko.nun halos wala nako.masabi kasi pagdinig ko pa lang ng boses nila nagkakanda-iyak ako..sa loob ng mahabang panahon ngtiis ako sa roaming text. Yung ilang letra lang ang pwede mong i-type.. Tapos pagmabagal kapa babalik ulit sa umpisa.. hayyy... nakakaloka.. literally nakakabaliw talaga.may mga time pa na halos kausapin ko na sarili ko.. tapos ako din sasagot😁 kamusta n kya sila..? Yung mga anak ko ano na ba hitsura.? Kumakain kaya sila.? Kumusta school nila? Namimiss din kaya nila si mama? Sabay mapapa-iyak ka.. tapos sasabhin ko sa sarili ko .. ok lang sila Meann.. wag mo sila isipin kasi di naman sila papabayaan.. laban lang.. tiis lang.. bawal ang mahina dito.. kasi hindi mo matutupad mga pangarap mo pagsusuko agad... kayang kaya mo yan inday
 
Sa dalawang taon na pagtatrabho ko dito sa ibang bansa.. madami na akong naging karanasan.. may mga masasaya pero mas madami pa din yung malungkot at yung mahirap. Masaya kasi may mga lugar ka na napupuntahan..may mga taong nakikilala..may mga magagandang bagay na kahit papano nakakapawi ng pagkahomesick mo...malungkot kasi araw-araw hindi pa din maalis yung katotohanan na sobrang namimis ko na mga anak ko at ang buong pamilya ko... mahirap ...kasi wala naman trabahong madali😁  dito ko naexperienced yung may sakit kana need mo pa din magtrabaho. Yung dapat kahit may nararamdman ka na, need mo pasiglahin ang sarili mo.. sabi nga nila wala kang kakampi dito kundi ang sarili mo.. kaya dapat unahin isipin ang sariling kalusugan.na in my case..mukhang diko nagawa😂😂 

Dito ko din naexperienced yung kakain ka ng wala sa oras..salamat sa kape at biscuit pantawid gutom😁😁 minsan pa halos di mo masikmura kainin yung mga pagkain..kaya dito dapat wlang arte-arte at dapat madiskarte kundi magugutom ka. Mas mahirap magtrabho pag gutom. minsan sa sobrang pagod plakda ka agad sa kama pagdting ng gabi. Yung parang ayaw munang bumangon sa higaan sa sobrang sakit ng katawan.. lahat ng bagay na yan..yan ang mga tinitiis ko..naming mga OFW.

Sa parte ko bilang isang ina..dito ko naranasan ung minsan habang ng-aalaga ako ng bata o habang karga ko ung alaga ko..pinapatulog..nluluha ako ng palihim😢 biglang bumibigat ang kalooban ko.. masakit isipin na ng-aalaga ako ng ibang bata na hindi ko kaanu-ano.samantalang ang mga tunay kong anak nangungulila sa pagaaruga ko.😢    Yung feeling na pag may sakit alaga mo natataranta ka pero pag yung anak mo may sakit wala k mgawa kundi umiyak lang habang pinagdadasal na sna gumaling na sya..kapag umiiyak ang alaga mo kakargahin mo para tumahan..samantalang ung anak mo di mo man lang mayakap kapag umiiyak..minsan pag ngchachat sila..sasabhin skin."Mama may lagnat ako"..bibigat na agad kalooban ko. Mapapaiyak bigla kasi alam ko kailangan nila ko pero wala ako mgawa..😢😢😢 tanging pag-iyak lang at pagdarasal ang kaya kong gawin..😢😢😢😢

Sobrang hirap.. pero alam mo na dapat mo magtiis...sobrang lungkot..pero alam mo na dapat mong kayanin...nakakatuwa.. sa loob ng dalawang taon..matatag pa din ako..hindi pa bumibigay si inday at kahit kelan hindi bibigay. Palagi ko sinasabi sa sarili ko lahat ng paghihirap..sakripisyo..pagtitiis...lahat ng to kakayanin ko hindi para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko. Wala akong hindi kayang gawin para sa kanila dahil sila ang buhay ko...dahil gusto ko sila mabigyan ng magandang kinabukasan...sila ung inspirasyon ko, ang nagpapalakas lagi ng loob ko..sila ang dahilan kung bakit kinakaya ko pa...sila ung kayamanan ko....bilang isang ina gusto ko maging proud sila saakin...hindi dahil sa ngtatrabaho ako dito sa abroad..kundi yung maging proud sila kasi ako ang nanay nila😢😢

Tapos na ang dalawang taon inday 😁😁pero wag muna magsaya...may isang taon kapa ng pagtitiis...yakang-yaka na yan😁😁mabilis na lang ang araw...isang taon nalang..makakasama ko na sila...isang taon na lang..mayayakap ko na sila...isang taon na lang magagampanan ko na ulit yung pagiging nanay ko sa kanila...kaya laban pa inday...tiis pa more...para sa mga anak ko...para sa mga pangarap ko...

Miss na miss ko na kayo mga anak ko...konting panahon na lang makakasama nyo na ulit si Mama😢😢😢magiging masaya na ulit tayomahal n mhal ko kayo😘😘😘😘    

-Mary Ann


No comments:

Post a Comment