Tuesday, October 16, 2018

Pighati sa Disyerto




Ako nga pala si Sarah, ako ay isang single parent sa aking unika ija. 5 taon na akong hiwalay sa asawa ko kaya nga  nagdecision ako mag-abroad. Una sa Jordan para masuportahan ko ang aking anak at maibigay ang pangangailangan khit mahirap lumayo sa kanila.

Nagtiis ako sa sweldo ko sa Jordan na $250, tiniis ko yun ng dalawang taon. Mahirap din, parang kamatayan ang nandun ka. Ang daming amo, hindi mo maiintindhan kung ano ang uunahin mo. Utos dito, utos doon.  5th floor ang bahay  pero ako lang magi-sa.

Salamat sa Diyos, hindi nya aq pinabayaan. Lagi ako nagdadasal, tiniis ko pati pagkain kahit hindi ok, minsan ang tagal na sa ref saka pa lang ipakain sayo. Minsan parang pakain sa baboy kaya tinatapon ko na lang. Namayat talaga  ako doon, nasa 50 kilo lang ang naging timbang ko.

Hindi ko rin maiintindhan kung ano ako dun, dahil iba ang pinirmahan ko sa kontrata.  Nasa 3rd at 4th floor ang anak ng amo ko.  Sa 2nd floor at ground floor naman ay may matanda na sabi ay 10 days lang tapos babalik na ng Saudi kaya doon muna ako magtatrabaho sa baba. Pero hindi totoo yun, bumalik din ang matanda makalipas ang ilang linggo. Ang problema pa minsan hinihiram ako ng mga anak nya kaya ayaw ko nang bumalik doon, nagsabi na ako sa mga agent ko kaso wala naman sila magawa.  

Gusto ko lang naman magtrabaho at kumita. 8 buwan din akong walang cellphone kaya kaya lagi ako naiiyak dahil sa homesick. Every two weeks lang din akong nakakatawag sa amin. Hanggang Dec 27, 2016, natapos na ang kontrata ko sa kanila.

Umuwi ako sa amin at nagpahinga din ng 10 months tapos nag-apply naman ako sa Kuwait. 1 Year na rin ako dito sa Kuwait, sa tulong na rin ng aking kaibigan. Inirekomenda nya ako sa kapatid ng amo nya at isa lang ang alaga ko. Subalit may pagkamaramot sa pagkain ang amo ko ngayon, hindi maunawain sa katulong, at konting pagkakamali talagang baka ikamatay ko pa. Kaya naman sa biyenan nya ako kumakain.

Tatapusin ko lang ang kontrata ko na 2 years at mananatili na lang ako sa Pinas for good. Siguro ay hindi ako swerte sa pag-aabroad.

-        - Eden



No comments:

Post a Comment