Friday, October 12, 2018

Simbang Gabi



Ako bilang isang OFW, napakahirap malayo sa family at isa na dun yung adjustment sa lugar, pagkain,sa mga tao na nkapaligid sa akin. I’m Mary 30 years old at single from Bohol. Mahirap lang mga magulang ko kaya bilang isang panganay na babae, I decided to go work after my high school graduation para makatulong ako sa parents at mga kapatid ko. That time 16 years old palang akong nagraduate kaya hindi pa ako pwdeng magtrabaho sa malalaking company sa Cebu. 

Temporarily, I worked as helper somewhere part in Bohol but after how many months kinuha ako ng mama ko kasi may trabaho daw sa Cebu as Jewelry Maker. After 1 year umalis ako at nagtry na mag apply sa company pero hindi ako siniswerte. Kaya my cousin told me na may mag asawang doctor needs a helper and I worked there for 2 years. I’m 21 years old that time I decided to apply again In Cebu Mitsumi at natanggap ako. Nagtrabaho ako doon until 3 years at pagkatapos ng contract ko, I go back in Bohol para makapagpahinga. I enjoyed there together with my parents. 

One time that was December nagsimbang gabi kami ni mama at pagkatapos pumunta sa lungsod may babae namimigay ng papel, note there it’s a hiring bound to Middle East. Since before i never think to worked abroad but that time sabi ko sa mama ko that I want to try this opportunity baka swertehin ako. Sinusuportahan ako ng parents ko na may halong pangamba dahil Kuwait yung destination ko. So I prepare everything my things, most importantly requirements. After 1 ½ months processing and training I have schedule for flight. Actually marami kami 50 plus nkapagflight at nagstop over kami sa Abu Dhabi hanggang sa dumating na kami sa Kuwait Airport. 

Kinabahan ako that time pero sabi sa sarili ko kaya ko to. Kung sa pinas same agency kami pagdating Kuwait ibat-ibang agency yung nagsundo sa amin, at papunta na kami sa agency doon sa Kuwait. Yung nagpick up sa akin anak ng amo ko hinatid ako sa bahay. May isang pinay temporary lang sya dun hanggang sa dumating ako. At first nahirapan ako sa Arabic pero pagdating ng 1month ko doon medyo naintindihan ko na. Alone helper ako for 1 year pero may tagaluto sila indiano. 4th floor yung bahay nila at ang trabaho ko daily ay maglinis, maglaba, plantsa, massage, at minsan mgluto din. Grabe homesick ko doon dahil bawal din gumamit ng phone, makatawag ako using madam telephone every month. Until tinulungan ako ng friend ko na bigyan ng phone at palihim kong ginagamit. 

That was October 15,2013 ang Bohol ay nakaranas ng earthquake at yung bahay namin na kakarepair lang bumagsak yung part ng kusina namin. Umiyak ako..Description: 😢  at naghinayang dahil nasayang yung pinaghirapan ko pero I thank God na okey sila ng papa at mama. After ng 1 year ko doon, may dumating isang helper from Bohol din. Happy ako na may kasama na at may makausap but habang tumatagal sa pagtatrabaho namin medyo na dissappoint ako kasi halos akin na lahat ang trabaho. Tiniis ko yun lahat ang pakisamahan sya hanggang sa nag 2 years na ako. Hindi pa ako pauwiin ni madam kasi wala pa akong kapalit. 

Nkauwi ako noon October 24,2015 at nag stop over yung airplane sa Thailand hanggang sa dumating na ako ng Manila. At nagbooked din ng ticket papuntang Bohol. Sinundo ako ng parents ko and were both hugging and crying..Description: 😢 namiss ko talaga sila. Nag eenjoy ako sa vacation ko and I never come back to Kuwait. After 5months in Bohol nakakaboring na dahil sanay ako na may trabaho, so pumunta ako sa Cebu para mag apply ulit. Ibat ibang agency pinuntahan ko, I’m waiting kung may employer na ako and sadly no ang bagal nung update nila. Kaya try ko ulit sa isang agency na sabi mabilis daw ang processing papuntang Hongkong. 

Okey na sana kaso ang laki ng pera kailangan paubos na yung savings ko. And agency told me maglending daw ako sa PJH but im afraid pero nagtry pa rin ako. Hanggang sa nakapagflight papuntang Hongkong last October 24, 2016. Another adjustment sa mga tao sa amo, pagkain at lugar. Now,andito ako sa Hongkong patuloy sa pagtatrabaho. Kahit na medyo madamot sa pagkain ang amo ko dito tiis lang din at diskarte para sa sarili. At patapos na din sa contract ko this month and renew again for another 2 years.

Sa lahat ng bagay pray lang at be positive na kakayanin mo talaga kahit anong mangyari.
Thanks for reading & Godbless us all….!

No comments:

Post a Comment