Ang kwento ng mga OFW Abroad

Saturday, November 17, 2018

Hope, Love & Faith



Ako si Clear Carlos, nagtatrabaho bilang DH dito sa Riyadh (KSA). Nag-abroad ako noong October 18, 2013 at the age of 39 first time ko. Ang unang sahod ko noon ay 900 SAR lang, ang baba dahil hindi natupad ang nasa kontrata ko, pero kahit maliit lang ang naging sahod ko tiniis ko na lang para sa aking pamilya. 8 months akong nag-iisa dito, iyak ako ng iyak kasi homesick ako at habang pinagmamasdan ko yung bahay na lilinisin ko parang hindi ko kayang linisin dahil sa sobrang laki. Pero sa kabila ng lahat palagi na lang akong nagdadasal. Yan ang tanging sandigan ko at ang nagpapalakas sa akin ay ang aking pamilya.

Natatakot pa ako noon kasi ang laki ng bahay at lagi akong iniiwan dito ng mga amo ko pagkumakain sila sa labas. Dalawang bata ang alaga ko, isang babae at isang lalaki. Ipinakita ko sa kanila na kaya ko ang trabaho at siguro naman ay naappreciate nila ang work ko. Nang makaisang taon na ako, itinaas nila sa 1,100 SAR ang sahod ko. I never give up lagi lang akong nagdarasal hanggang umabot ng 1,500 SAR ang sahod ko. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi he answered all my prayers.

June 27, 2015 umuwi ako, 1 month lang ang ibinigay nilang bakasyon. Umuwi ako dahil graduation ng panganay kung anak sa kolehiyo. Bumalik ako August 2, 2015, back to normal work na naman, mahirap iwanan ang mga amo ko kasi ang bait din naman nila. Pagmagbirthday ka, Ramadan at Eid, nagbibigay sila ng hadiya. Gaganahin ka ding magtrabaho kung may matatanggap ka mula sa kanila.

Naranasan ko din dito ang matulog ng hating gabi lalo pag-Ramadan, puyat at pagod ang kalaban ko pero sabi ko sa sarili ko tiis-tiis lang para sa aking pamilya na tanging nagpapalakas sa akin.

Ang dahilan ng pag-aabroad ko , gusto kong matupad ang pangarap ko sa aking dalawang anak na lalake. Laking pasasalamat ko kay Lord kasi nakatapos na ang aking panganay at isa nang magiting na pulis sa ngayon. Ang bunso ko naman ay nasa 4th year college na din.

November 23, 2017, pangalawang uwi ko at bumalik din ako last January 12, 2018. till now nandito pa rin ako sa Riyadh at ito ang naging kwento ng aking buhay ofw sa loob ng 5 taon.

Maraming salamat po!


No comments:

Post a Comment