Sunday, March 3, 2019

Unos



sad girl


Sa ganap na ika-4 ng hapon noong November 25, 2012 ay lumipad patungong gitnang silangan ang eroplanong aking sinasakyan kasama ang marami pang kapwa kong pinay n naniwala at umaasang maiaahon sa hirap ang kanya-kanya naming naiwang pamilya. Baon q ang pagmamahal ng aking asawa at mga anak. Paglapag p lamang ng eroplano ay agad kong naramdaman ang pangungulila sa mga supling. Hanggang dumating ang oras at sinundo aq ng aking magiging amo. At ramdam q ang pagririgudon ng aking puso sa kaba.

Pero napawi ang aking kaba nang mkarating n kmi sa bahay ng magiging amo q sapagkat nadatnan q dun ay dalawang pinay at naramdaman kong makakasundo q nman sila. Matuling lumipas ang mga araw at kasabay nun ang labis n pangungulila q sa aking mga anak sapagkat ang aming komunikasyon ay pahirapan dahil bawal ang mobile kya nman patago kami kung gumamit ng nkatagong mobile.

Dumating ang araw ng kapaskuhan at khit malayo sa pamilya basta mapadalhan sila at mgkaroon sila ng masayang pasko masaya n aq dun at lahat ng OFW ganun ang nararamdaman. Unang Pasko at Bagong Taon n hindi ko kapiling ang asawa q at dalawa kong anak, malungkot oo pero ika nga'y may next time p nman babawi nlng aq.

January 3,2013 isang di q kilalang numero ang panay padala ng mensahe sa akin kesyo may ginagawang kababalaghan asawa q, kesyo ganito kesyo ganun. Pero aq bilang maybahay n buo at malaki ang tiwala sa asawa binalewala ko yun kasi db karamihan sa mag asawa dyan sa mga sumbong sumbong n yan ngkakasira n sa huli ang masaya lang yung nagsumbong n walang ibang nais kundi ang makapanira ng isang masayang pamilya. Hanggang sa umabot aq sa puntong may nakakapa na akong pgdududa sa puso q at bilang isang babae alam ko n pag ang babae nagduda tiyak malapit sa katotohanan yan, kya nman idinaan q sa biro ang pagtatanung sa asawa ko pero as expected deny to the max si mister ko.

Hanggang sa isang taon n aq dito sa Kuwait at ramdam ko n kung dati buo p tiwala ko sa asawa ko ngayon parang bawat sinasabi nya ay hangin na lang lalo at nkapagpadala siya ng maling mensahe sa number ko. Alam nyo yung feeling n harap harapan kang tinatraydor? Yun ang feeling ko that time kaya ang ginawa ko focus sa trabaho. Tinatagan ko sarili ko. Lagi ko lang sinasabi isang taon na lang kya to.

Mas lalong natuon atensyon q sa trabaho nang manganak ang amo q kasi nkalipat n kmi ng bahay kya mag isa na lang ako, laba, luto, linis, alaga sa baby ganun ang routine ko araw-araw at inaabot aq ng 3am bago makapagpahinga sa aking kwarto kaya nman wala n akong panahon sa pag isip ng kung anu ano.

August 2014 worst date ever. Super nagdemand si mister ng pera at nagkataong summer dito sa Kuwait at as expected delay ang sahod lalo at magbabakasyon si madam sa London kasama ang baby at parents nya. Hindi ako nakapagpadala ng pera sa araw n gusto ni mister kaya ayun galit siya hindi nakinig sa paliwanag ko kesyo daw binabale wala ko n sila, kesyo daw wala akong kwenta. Yun ang salitang hindi aakalain ng isang asawa n maririnig nya mula sa mister nya, ang sakit masabihan k ng ganun n kung alam nya lang n halos lumuhod ka sa amo mo mapasahod k lang pero wala eyyy arabo amo mo makasarili. Hamakin mong isang linggong di nagreply kaya sabi ko lilipas din galit nya tiwala lng.

Hanggang isang araw patapos n ang Agusto papunta n aq sa mall para maghulog sana ng pera isang nkakapanlumong mensahe ang natanggap ko mula sa mister ko "wag ka nang tumawag ni magtext may ibang ASAWA n ako dito." Dun parang domino ang katawan q, in a moment naparalisa ako, nagshutdown isip ko, pti yta paghinga ko tumigil, feeling q ang mundo ay di umikot. Nang mahimasmasan aq dun p tumulo luha ko. Unang beses nadurog puso ko. Ganun pla ang feeling ng broken hearted. Wala akong ganang kumain, nataon p tlgang solo ko ang bahay dahil nsa bakasyon si madam at si baby si sir nman nsa work nya late ng gabi lagi kung umuwi kaya ang buong isang linggo q ay daig p ang nagluluksa.

Walang minutong di aq umiiyak, lagi lang tanong sa isip ko anung nangyari sa mister ko? Di ko lang napadalhan ito n parusa nya sa akin??? Wala b tlga akong kwenta? Natapos ang isang linggo ng pagluha ko sabi ko Lord tama n, di n yta tamang umiyak pa ako di ko sasayangin luha ko ang bata bata ko pa, may dalawa akong anak n kailanman walang makakaagaw mula sa akin. Pinutol ko lahat ng komunikasyon sa kanya. Nirenew ko kontrata ko n ikinatuwa ng mga amo ko kasi ayaw nilang umuwi ako kasi sabi p ni madam di n sila makakahanap ng mapagkakatiwalaang kasambhay. Focus aq sa dalawang anak ko n nsa pudir nya kasi ayaw ibigay sa mga parents ko kasi sabi p ng nagtetext sa akin n tsismosa masalimout daw buhay ngayun ng mister q sa kabet nya ayaw dito away doon. Bugbugan dito bugbugan doon ang ginagawa nilang dalawa in short they're in the state of  KARMA. Nagkaroon sila ng anak.

Natapos ko ang ikalawang kontrata ko nang biglang makatanggap aq ng mensahe mula pinas sa aking local number sa Kuwait. Nakikiusap n umuwi aq sa kanya, nagsusumamong patawarin ko siya. Two years mahigit n kung kelan nakamove on n aq saka nman sya hihingi ng tawad at matindi pah mkikipagblikan pah. At yan ang kwentong OFW q dito sa gitnang silangan.

-Jade


No comments:

Post a Comment