About Us

Ang KWENTONG KABAYAN ay binuo upang magbigay ng inspirasyon, pag-asa, aral at aliw sa ating mga OFW na tinaguriang mga "Bagong Bayani" ng kasalukuyang panahon. Ito ay koleksyon ng iba't-ibang karanasan, pakikipagsapalaran, buhay at pagsubok ng isang OFW sa abroad saan mang sulok ng mundo.

Ano-ano nga ba ang dahilan kung bakit napipilitang magtrabaho abroad ang ating mga kababayan? Gaano ba kahirap ang dinaranas nila makapagpadala lang sa mga mahal nila sa buhay?
Ano ang pangkaraniwan nilang gawain, maibsan lamang ang pangungulila sa kanilang pamilya?
Ano ang naging kwento nila upang sila ay magtagumpay at swertehin sa ibang bayan? 

Ang bawat kwento ay may kanya-kanyang kasagutan sa mga tanong na nabanggit sa itaas na kapupulutan natin ng aral. Nawa'y magsilbing gabay at inspirasyon ang KWENTONG KABAYAN sa bawat OFW o Pilipino na tatangkilik dito.

Kung nais nyong ibahagi ang inyong kwento, ipadala lang ang inyong kwento sa aming Facebook Page:

fb.me/kwentongkabayan2018

Maraming Salamat po... Mabuhay po tayong lahat!